Thursday, February 14, 2008

field trip..field trip.. yehey!!

Sa bIoresearch po iyan!!


Kasama ko si paula..




Fountain fountain!!

woOoo...

ang saya saya talaga!!

Hinding hindi ko ito makakalimutan!!

fiElD tRiP!!


that was our fieldtrip!!
Nasa Bus kami niyan...
Grabi nga eh kasi kagigising ko lang nyan..hehe!!
Nasa bioresearch kami niyan...Kakarating lang namin..
Yan pa lang yung umpisa o unanbg napuntahan namin sa fieldtrip..Next naman ay Tagaytay tapos Enchanted at last ay MALL..haha!!
YeePee...!!!

w0ow!! acQuaintance



It is a part of SSC wEEk .....Acquaintance party namin yan!! sobrang saya nga eh..

Inabot kami ng hanggang 9:00 ng gabi pero ayos lang kasi kasama ko ang mga friends ko..

Lahat kami masaya kahit na walng mga kasayaw... its our first time magkaroon ng acquaintance party!!

Sunday, October 7, 2007

Green House Effect

ANG green house effect ay ang pagtaas ng temperatura na nararanasan ng daigdig dahil nahaharang ng ilang gas (tulad ng water vapor, carbon dioxide, nitrous oxide, at methane) ang enerhiya mula sa araw. Kung wala ang mga gas na ito, muling makakatakas ang init ng araw pabalik sa kalawakan at, dahil dito, magiging mas lalamig nang 60F ang temperatura ng daigdig. Dahil pinaiinit nila ang daigdig, greenhouse gases ang tawag sa mga gas na ito.
MADALING maunawaan ito kung nakakakita ka na ng isang greenhouse. Parang maliit na bahay na salamin ang karamihang greenhouse. Ginagamit ang mga greenhouse sa pagpapatubo ng mga halaman, lalo ng kung ang panahon ay tag- ulan o tagyelo. Pinapasok sa mga greenhouse ng mga panel na salamin ang init na mula sa araw, ngunit di nila ito pinalalabas. Nagiging sanhi ito upang umunit ang greenhouse, tulad ng pag init ng loob ng kotse na nakalantad sa init ng araw. Sa liib ng mainit na greenhouse, nabubuhay ang mga halaman kahit na sa panahon ng tagyelo.
NAKAPALIGID sa atin ang atmospera ng daigdig. Iyon ang hanging hinihinga natin. Ang mga greenhouse gas sa atmospera ay para ring mga salaming panel sa isang greenhouse. Pumapasok ang init o enerhiya ng araw sa atmospera at dumaraan sa lambong na mga greenhouse gas. Pagdating sa ibabaw ng daigdig, sinisipsip iyon ng lupa, tubig, at biosphere. Pagkatapos masipsip, ibinabalik sa atmospera ang enerhiyang ito. Nakababalik kalawakan ang bahagi ng enerhiyang ito, ngunit nananatili sa atmospera ng daigdig ang malaking bahagi nito dahil sa pagharang ng mga greenhouse gas. Ito ang dahilan kung bakit umiinit ang daigdig.

Saturday, October 6, 2007

Ano ang CLONING?

ANG CLONING ay proseso ng paglikha sa isang organismo na eksantong genetic copy ng iba. Ang ibigsabihin nito, bawat piranggot ng DNA ay pareho sa dalawa- sa kopya at sa kinopya.
MAY taong clone sa paligid natin ngayon. Sila ang magkamukang kambal na nabuo mula sa isang fertilized egg na nahati mula sa magkahiwalay nabuhay. Ang natural na prosesong ito ay nagawa na sa mga laboratoryo kung saan ang hinatinbg fertilized egg ay inilagay sa sinapupunan ng dalawang ina. Di kontrobersya ang prosidyur nito.
ANG lumikha ng kontrobersya ay ang cloning sa pamamagitan ng Somatic Cell Nuclear Transfer (SCNT). Ang prosesong ito ang ginamit sa pag clone sa isang tupa. Nakilala sa pangalang DOLLY ang clone ng tupa. Ang somatic cell ay isang cell mula sa kahit na anong bahagi ng katawan, liban sa mga reproductive cell. Ang nucleus ay ang bahagi ng cell na angtataglay ng DNA. Ang DNA ang dahilan kung bakit ang bawat buhay ay walang kaparis. Sa SCNT, ang somatic cell ay inililipat sa isang donor egg. Ang nucleus ang donor egg na ito ay tinatanggal muna bago ilipat ang somatic cell. Sa kaso ni DOLLY, inihiwalay ang isang somatic cell. Sa pamamagitan ng SCNT, nakalikha ng isang embryo na inilagay sa sinapupunan ng isang babaeng tupa. Pagkatapos ng ilang buwan, iniluwal na si dolly ng babaeng tupa. namatay si dolly pagkatapos ipanganak.

SSC WEEK

Ano ang SSC WEEK?
Ang SSC WEEK ay linggo ng mga estudyante sa Special Science Curriculum.
Ang SSC WEEK ay ginanap noong Setyembre 24-28, 2007. Ang SSC WEEK ay puno ng kasayahan at talagang mageenjoy ka. Ngunit hindi lang puro kasayahan. May matututunan ka rin. Ang mga games dito ay hindi lang ordinaryong mga laro. May mapupulot ring aral at makakadagdag sa inyong mga isipan.
Ang mga paligsahan na mayroon ang SSC WEEK ay volleyball at basketball, Science Trail,Enviro Photo, Investigatory project, Science Project, Poster Making, Essay, Rocket Propaltion, Mouse trap powered car trebuchet, retromania, Singing Contest at Math Jingle.
Ang mga kategoryang ito ay puno ng saya. Machachallenge ka sa galing ng iyong mga kalaban.
Lalo na sa Science Trail. Para itong adventures na you have to answer the Science question before ka makapass at pumunta sa ibang lugar o sa ibang stage.masaya ang bawat paligsahan. Talagang mapapaisip ka para manalo.
Ginawa and SSC WEEK para sa mga estudyante ng SSC upang maging rememorable week sa kanila ang linggong iyon na napagsabay nila ang pagaaral sa paglalalaro.

17 IKAAPAT NA LINGGO NG SETYEMBRE

Binigyan kami ni Sir ng Project npero by group ito....Pinagawa niya rin kami ng tiglilimang articles para sa Project namin......Noong webes nag umpisa ang INTRAMS namin. Nagparada kami mula triangle hanggang school.....Kulay green ang klay ng T- Shirt kasi mga FRESHMEN kami!!!! Super saya!!!!!