ANG green house effect ay ang pagtaas ng temperatura na nararanasan ng daigdig dahil nahaharang ng ilang gas (tulad ng water vapor, carbon dioxide, nitrous oxide, at methane) ang enerhiya mula sa araw. Kung wala ang mga gas na ito, muling makakatakas ang init ng araw pabalik sa kalawakan at, dahil dito, magiging mas lalamig nang 60F ang temperatura ng daigdig. Dahil pinaiinit nila ang daigdig, greenhouse gases ang tawag sa mga gas na ito.
MADALING maunawaan ito kung nakakakita ka na ng isang greenhouse. Parang maliit na bahay na salamin ang karamihang greenhouse. Ginagamit ang mga greenhouse sa pagpapatubo ng mga halaman, lalo ng kung ang panahon ay tag- ulan o tagyelo. Pinapasok sa mga greenhouse ng mga panel na salamin ang init na mula sa araw, ngunit di nila ito pinalalabas. Nagiging sanhi ito upang umunit ang greenhouse, tulad ng pag init ng loob ng kotse na nakalantad sa init ng araw. Sa liib ng mainit na greenhouse, nabubuhay ang mga halaman kahit na sa panahon ng tagyelo.
NAKAPALIGID sa atin ang atmospera ng daigdig. Iyon ang hanging hinihinga natin. Ang mga greenhouse gas sa atmospera ay para ring mga salaming panel sa isang greenhouse. Pumapasok ang init o enerhiya ng araw sa atmospera at dumaraan sa lambong na mga greenhouse gas. Pagdating sa ibabaw ng daigdig, sinisipsip iyon ng lupa, tubig, at biosphere. Pagkatapos masipsip, ibinabalik sa atmospera ang enerhiyang ito. Nakababalik kalawakan ang bahagi ng enerhiyang ito, ngunit nananatili sa atmospera ng daigdig ang malaking bahagi nito dahil sa pagharang ng mga greenhouse gas. Ito ang dahilan kung bakit umiinit ang daigdig.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment