ANG CLONING ay proseso ng paglikha sa isang organismo na eksantong genetic copy ng iba. Ang ibigsabihin nito, bawat piranggot ng DNA ay pareho sa dalawa- sa kopya at sa kinopya.
MAY taong clone sa paligid natin ngayon. Sila ang magkamukang kambal na nabuo mula sa isang fertilized egg na nahati mula sa magkahiwalay nabuhay. Ang natural na prosesong ito ay nagawa na sa mga laboratoryo kung saan ang hinatinbg fertilized egg ay inilagay sa sinapupunan ng dalawang ina. Di kontrobersya ang prosidyur nito.
ANG lumikha ng kontrobersya ay ang cloning sa pamamagitan ng Somatic Cell Nuclear Transfer (SCNT). Ang prosesong ito ang ginamit sa pag clone sa isang tupa. Nakilala sa pangalang DOLLY ang clone ng tupa. Ang somatic cell ay isang cell mula sa kahit na anong bahagi ng katawan, liban sa mga reproductive cell. Ang nucleus ay ang bahagi ng cell na angtataglay ng DNA. Ang DNA ang dahilan kung bakit ang bawat buhay ay walang kaparis. Sa SCNT, ang somatic cell ay inililipat sa isang donor egg. Ang nucleus ang donor egg na ito ay tinatanggal muna bago ilipat ang somatic cell. Sa kaso ni DOLLY, inihiwalay ang isang somatic cell. Sa pamamagitan ng SCNT, nakalikha ng isang embryo na inilagay sa sinapupunan ng isang babaeng tupa. Pagkatapos ng ilang buwan, iniluwal na si dolly ng babaeng tupa. namatay si dolly pagkatapos ipanganak.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment